top of page

Blog

Sining at Likha

  • Writer: Alleria Elizabeth
    Alleria Elizabeth
  • 6 days ago
  • 1 min read

ree

Minsan pakiramdam ko, parang canvas yung utak ko. Araw-araw, puro sulat, puro gawa, puro dagdag ng “kulay” dahil sa assignments at projects. Hanggang sa sobrang kapal na, nagmumukha nang magulo at hindi ko na makita kung saan ako magsisimula. Dito ko madalas maramdaman yung matinding galit. Na tipong kahit anong effort ko, parang laging may kulang. Naiinis ako sa sarili ko, tapos bigla na lang akong mapapahinto at maiiyak kasi sobrang bigat na sa dibdib.

Pero kapag pinipili kong huminto—kahit simpleng paghiga lang o pag-off ng phone sandali—parang may magic. Yung canvas na dati punong-puno at gulo, biglang nagkakaroon ng space. Doon ko nararamdaman yung konting kalmado, yung pakiramdam na, “Okay lang. Kaya ko pa rin.” At kahit hindi pa tapos lahat, parang mas nakikita ko ulit yung direksyon, mas kaya ko ulit bumalik sa ginagawa ko nang mas magaan.

 
 
 

Comments


bottom of page