Lasa at Lamig
- Alleria Elizabeth
- 6 days ago
- 1 min read

Minsan habang nag-aaral ako, ramdam ko yung parang malamig na hangin sa dibdib—yung tipong dala ng takot. Takot na baka bumagsak ako, takot na baka hindi sapat lahat ng effort ko kahit puyat na puyat na ako. Para bang kahit anong aral at basa ko, may parte sa isip ko na nagdududa: “Paano kung hindi pa rin ako pumasa?” Yung takot na yun, parang lasa ng sobrang mapait na kape—hindi mawala-wala kahit anong tamis ang idagdag mo.
Dahil sa takot na yun, minsan sobra ko nang pinipilit ang sarili ko. Kahit gusto ko na sanang magpahinga, hindi ko magawa kasi baka lalo lang akong matalo sa oras. Pero sa totoo lang, yung takot na iyon ang nagpapakaba at nagpapahirap sa akin. Doon ko nare-realize na minsan, hindi ko kailangan hayaang lamunin ako ng takot. Pwede kong tanggapin na andyan siya, pero piliin pa ring magpahinga, dahil sa huli, mas malinaw ang isip ko kapag hindi ako natatakot magkamali.
Comments