Buhay at Pahinga
- Alleria Elizabeth
- 6 days ago
- 1 min read

Kapag sobrang dami ng schoolworks, lagi kong pinipilit ang sarili kong tapusin lahat kahit halos hindi na ako makatingin nang maayos sa papel. Pero kapag hindi ko na talaga kaya at pinili kong huminto, doon pumapasok yung guilt. Parang lagi kong iniisip, “Baka tamad lang ako… baka hindi sapat yung effort ko.” Ang bigat sa pakiramdam kasi kahit nagpapahinga na ako, hindi ako mapakali. Nandyan yung kaba na baka may ma-miss akong deadline o baka magalit yung teacher.
Pero habang tumatagal, nare-realize ko na yung guilt na yun ay hindi makatulong. Kapag sobra ko nang pinipilit ang sarili ko, mas lalong wala akong natatapos at mas lalo lang akong napapagod. Kaya natutunan kong minsan, kailangan talagang pakinggan yung katawan at isip ko. Sa tuwing tinatanggap kong magpahinga kahit may guilt sa simula, unti-unti ring napapalitan yun ng relief. Yung pakiramdam na mas magaan huminga, at mas handa akong bumalik kinabukasan.
Comments